Pinakamalaking multi-role response ship ng Pilipinas, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang pinakamalaking  multi-role response vessel ng Philippine Coast Guard.

Winelcome ng maraming tauhan ng  Coast Guard na pinangungunahan ni PCG Officer-in-Charge Vice Admiral Eduardo Fabricante ang pagdating ng kauna-unahang MRRV-9701 sa Port Area, sa Manila.

Ayon sa PCG, naglayag ang MRRV-9701 mula Shimonoseki Shipyard sa Japan kung saan ay binuo ito ng Mitsubishi Heavy Industries (MHI), Ltd. noong December 2020.

Mababatid na ang MRRV-9701 ay isa sa dalawang MRRVs na inorder ng Pilipinas mula sa Japan bilang bahagi ng modernization program ng PCG.

Tinatayang nasa 97 meters ang bawat isa sa bagong MRRVs, at may bilis ito na hindi lampas sa 24 knots, at endurance ng hindi hihigit sa 4,000 nautical miles.

Biukod sa pagpatrolya sa West Philippine Sea at Philippine Rise, ay inaasahang magagamit ang MRRVs sa maritime search and rescue, maritime law enforcement, at sa humanitarian assistance at disaster response operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *