Taiwan, makikiisa sa pagpapataw ng economic sanctions sa Russia

Nangako ang Taiwan na makikiisa ito sa pagpapataw ng international economic sanctions laban sa Russia dahil sa pag-atake nito sa Ukraine.

Sa isang pahayag ay kinondena ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang pag-atake ng Russia sa Ukraine, na ayon sa kaniya ay nakasira sa kapayapaan at sa stability sa rehiyon at sa buong mundo.

Umaasa naman si Ing-wen na maibabalik ang usapang pangkapayapaan para masolusyunan ang nagpapatuloy na krisis.

Naghahanda na rin ang Taiwan para sa “cognitive warfare” bilang dipensa nito sakaling samantalahin ng “external forces” at “collaborators” ang sitwasyon sa Ukraine sa pamamagitan ng pagpapakalat ng disinformation na maaring makapagpababa sa morale ng mga Taiwanese.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *