Pinakamataas na kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte naitala ngayong araw

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 45 bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw.

Ito na ang pinakamataas na naitala sa lalawigan mula nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga bagong kaso ng COVID- 19 ay nagmula sa bayan ng Daet na mayroong 14, Basud 11, Capalonga 8, Vinzons  6, Labo 3, Paracale 2 at Jose Panganiban na mayroong 1

Pumangalawa ang Camarines Norte sa Camarines Sur na mayroon namang 46.

Sumampa na rin sa 13 ang bilang ng mga namatay sa sakit sa lalawigan matapos na makapagtala ng bagong kaso ng pagkamatay ngayong araw.

Sa mahabang panahon ay nanatili ang Camarines Norte na may pinakamababang kaso ng COVID- 19 sa rehiyon, pero ngayong araw ay naungusan na nito ang Catanduanes matapos makapagtala ng kabuuang bilang na 273 kumpara sa 257 ng huli.

Umakyat na rin sa 83 ang bilang ng mga aktibong kaso pero mayroon namang 5 bagong recoveries ngayong araw kaya nasa 177 na ng nakakarekober o 64. 84 %  recovery rate.

Samantala, isinailalim naman ngayon sa isang araw na lockdown ang munisipyo ng Mercedes.

Ayon kay Municipal Administrator Elmer Nagera, magkakaroon ng disinfection ngayong araw matapos na ma- expose ang isang empleado ng LGU sa isang COVID- 19 positive.

Nagsagawa pa ng flag raising ceremony kanina pero pagkatapos ay pinauwi na na rin ang mga ito.

Bukas ay may pasok na ulit sa munisipyo pagkatapos ng isang araw na disinfection.

Samantala, sa bayan naman ng Basud ay nagpatawag ng pagpupulong kaninang umaga si Mayor Adrian Davoco.

Kabilang sa mga pinag usapan ay ang posibilidad nang pagsasailalim sa lockdown ng ilang lugar lalo na ang mga purok na mayroong 3 o higit pang kaso ng COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *