Pinangakong box culvert sa Brgy. Princess Urduja sa Narra, hindi pa rin natutupad

Umaasa pa rin ang mga residente ng Zone 2 Barangay Princess Urduja Narra, Palawan na mapapalitan na ang kanilang culvert na nagiging sanhi ng pagbaha tuwing umuulan.

Ayon kay Bernard Balocas, Senior Water Reources Facilities Technician ng National Irrigation Authority, nasa bidding process na ngayon o pagpili ng kontraktor para sa rehabilitation project.

Sa oras aniya na makapili ng kontraktor ay agad masisimulan ang irrigation facility rehabilitation at gagawin nang box culvert ang kasalukuyang culvert.

Matatandaan na inireklamo noong nakaraang taon ang kasalukuyang culvert dahil umaapaw ang tubig at pumupunta ito sa kabahayan.

Ayon sa isang residente, nag-aalala na naman sila ngayon dahil sa binabantayang Low Pressure Area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *