Pinatay na asong si Killua – nagpositibo sa rabbies

Kinumpirma ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na nagpositibo na sa rabies ang viral na pinatay na asong si Killua.

Sa ulat ng PAWS – lumabas sa resulta ng rabies examination lab test na positibo ang naturang aso sa nasabing virus.

Nananatili namang wala pang resulta ang test sa owners ni Killua sa Bureau of Animal Industry.

Sa kabila nito, tiniyak ng PAWS na itutuloy pa rin nila ang kaso laban kay Anthony Solares.

Aniya, hindi dahilan ang virus para patayin ang isang hayop.

Inabisuhan naman ang mga posibleng nakagat pa ni Killua na lumapit sa mga doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *