Daang-libong pasahero, dagsa na sa mga terminal para sa Holy Week

Nasa tatlong daang libong mga pasahero na magsisi-uwian sa mga probinisya ngayong Semana Santa ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago, noong Biyernes pa lamang ay naramdaman na ang malaking volume ng mga pasahero sa 180 thousand.

Dahil dito,pinaigting na ang seguridad sa mga pantalan upang matiyak na walang makakalusot na mga ipinagbabawal na gamit o produkto.

Pinapaalalahanan din ng PPA ang mga pasahero na planuhin ng mas maaga ang kanilang biyahe at iwasan ang last minute booking dahil ito ang isa sa mga nagiging sanhi ng abala at pagkaantala lalo’t dagsa na ang tao sa mga pantalan.

Bilang ng mga pasaherong dumagsa sa PITX, umabot na sa mahigit 400,000

Patuloy ang pagdating sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.

Batay sa datos ng PITX, umabot na sa 52,640 ang bilang ng mga pasahero na dumagsa sa naturang terminal hanggang kaninang alas onse ng umaga.

Dahil dito, pumalo na sa mahigit apatnaraang libo ang kabuuang bilang ng mga pasaherong naitala.

Samantala, bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa, personal na ininspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista ang pinakamalaking landport sa bansa.

Sa isinagawang inter-agency inspection kasama ang mga opisyal ng LTO, LTFRB at MMDA, kuntento si Bautista sa kanyang nasaksihan dahil sa maayos na operasyon sa PITX.

Nagbabala naman ang Transport Secretary sa mga byahero na wag ng magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa terminal at wag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan patungo sa kanilang mga lalawigan ngayong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *