Planong produksyon ng asin sa Sorsogon malabo – DOST

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST)-Sorsogon na malabo ang plano ng ilang LGU na magkaroon ng sariling produksyon ng asin sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News kay Engr. Sandro Nogeura, ang Senior Research Specialist at kasalukuyang Provincial Director ng ahensya, sinabi nito na base sa kanilang ginawang pag-aaral malaki ang epekto ng klima sa lalawigan na dala na rin ng climate change na importante umano sa produksyon ng asin na kailangan isaalang-alang. 

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na maaaring maging opsyon ng Provincial Government ay ang pagbili ng murang asin sa ibang lugar na hindi pa naproseso at isailalim ito sa refinery para mas maging maganda ang kalidad nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *