Players ng Smart Omega Esports at Nexplay EVOS, pinagmulta ng P150,000

Napatawan ng sanctions ang Smart Omega Esports at Nexplay EVOS, kabilang na ang penalty na aabot sa halos P150,000.

Ito ay kasunod ng mga alegasyon ng paglabag sa “competitive integrity” ng kanilang laban sa huling araw ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 8 noong October 10.

Kasama na rito sina Billy Jazha “Z4pnu” Alfonso ng Smart Omega, Setsuna “Dogie” Ignacio ng Nexplay Evos, at marami pang iba.

Mahaharap naman si Dogie sa two game suspension dahil sa ginawa nitong cut throat pose matapos nilang manalo laban sa Smart Omega.

Matatandaan noong Linggo ay naakusahan ang parehong kuponan na sadyang pagpapatalo sa Games 1 at 2 dahil sa desisyon nila na huwag pumatay ng minions na bumabanat sa kanilang base, o paggamit lamang ng flame shot upang mauwi ang kanilang tapatan sa decider match.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *