PNP Bicol spokesperson, nakatanggap ng parangal kaugnay ng National Women’s Month celebration

LEGAZPI CITY – Pinarangalan ng Police Regional Office 5 si PNP Bicol Spokesperson, PLt. Col. Maria Luisa Calubaquib, kasabay ng Flag Raising Ceremony kahapon kaugnay ng 2023 National Women’s Month Celebration.

Ito ay dahil sa ipinamalas niyang katangi-tanging gawa, kapuri-puri at napakahalagang serbisyong ibinigay bilang miyembro ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) para sa pinasimulang proyekto na tinaguriang “Serbisyong Ugnayan para kay Juanang IPs” na naglalayong magbigay ng tulong sa mga Katutubo ng Agta-Tabangnon Tribe sa Inorogan Tribe Settlement, Zone 7, Sto. Domingo, Iriga City, Camarines Sur.

May kabuuang 55 bata at 30 kababaihan ang nakinabang sa nasabing proyekto na nakatanggap ng paunang tulong tulad ng bitamina, school supplies, loot bags, sleeping kits, hygiene kits, food packs at kitchen wares.

Isinagawa rin ang Juanang IPs Day-Out noong Marso 18, kung saan naglibot sila sa buong lalawigan ng Albay.

Ang tagumpay na ito ay na pagpapakita ng propesyonalismo at paninindigan sa kanyang sinumpaang tungkulin, at nakakuha ng credit hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa organisasyon ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *