Mga tanggapan sa lunsod ng Legazpi, iinspeksyunin kung sumusunod sa ARTA law

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Legazpi City Government Administrator, Chito Ante, na ngayon ay may mga pupunta sa lunsod na mga opisyal mula sa pamahalaang nasyonal upang inspeksyunin ang mga tanggapan kung sumusunod ba sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) Law.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Ante, sinabi niyang ichi-check ng mga ito kung paano tumugon ang mga tanggapan sa lahat ng mga inquiries, at requests ng mga kliyente, at ia-assess ang kani-kanilang performances.

Aniya, dahil dito ay inabisuhan nila ang lahat ng mga opisina na ihanda ang lahat ng mga dokumentong kakailanganin pagdating sa mga inquiries ng mga kliyente.

Ayon sa kanya, maaaring ito ang pinakaunang pagkakataon ng nasabing mga opisyal na libutin ang buong bansa upang isagawa ang pagsusuri o pache-check sa mga opisina.

Layunin nitong siguruhin na ang lahat ng mga tanggapan ay hindi lumalabag sa nasabing batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *