PNP-CIDG, inilabas na ang facial composite ng 2 bagong suspek sa pagkawala ng mga sabungero

Kinumpirma na ng mga kaanak ni Michael Bautista na siya ang sabungerong dinukot sa isang ‘secret cellphone video’ na hawak ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Si Bautisa ay isa sa 34 na mga sabungerong patuloy na pinaghahanap hanggang sa ngayon.

Ayon kay CIDG director P/BGen. Ronald Lee, positibong kinilala ng mga kaanak ni Bautista na siya raw ang pinosasan at dinukot ng dalawang mga ‘di pa nakikilalang suspek.

Kaugnay nito, inilabas na ng CIDG ang computerized facial composite ng dalawang suspek na nakita sa video.

Isa rito ang lalaking naka-sumbrero, malaki ang pangangatawan, may tangkad na 5’7′ to 5’8” at posibleng edad trenta’y singko hanggang kuwarenta; at isa pang suspek na naka-shades, may tangkad na 5’6′ to 5’7” at posibleng edad kuwarenta’y singko hanggang singkuwenta.

Ayon kay Lee, isa itong mahalagang ebidensya na maaaring makapagbigay-linaw sa pagkawala ng sabungero.

Unti-unti na rin aniya silang nagkakaroon ng lead sa iba pang mga kasamahan ni Bautista.
#

READ MORE:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *