PNP, DILG , pinatawag ni Speaker Romualdez kaugnay ng high-profile crimes sa bansa

Maging si House Speaker Martin Romualdez ay nababahala na sa sunud-sunod na high-profile crimes sa bansa.

Dahil dito, pinatawag ni Romualdez ang Philippine National Police at ang Department of Interior and Local Government  sa isang emergency meeting ngayong araw para pag-usapan ang problemang ito.

Gaganapin ang pulong sa House of Representatives sa Batasan Complex.

Nais malaman ng mambabatas kung ano ang ginagawang hakbang ng mga awtoridad upang pigilan ang mga ganitong uri ng krimen.

Kasama sa mga tinutukoy na high-profile crime ang tangkang pagpaslang kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong na nagresulta sa pagkamatay ng apat na tauhan nito, pagpatay sa bise alkalde ng Aparri, Cagayan, at ang ambush-try sa mayor ng Maguindanao sa Pasay City.

One thought on “PNP, DILG , pinatawag ni Speaker Romualdez kaugnay ng high-profile crimes sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *