5 NPA, napatay; 29 iba pa, sumuko sa mga operasyon ng AFP

Limang miyembro umano ng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang 29 na tagasuporta ng mga ito ang sumuko sa iba’t ibang operasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni AFP public affairs office chief, Col. Jorry Baclor, ang mga operasyong isinagawa ng mga military units sa Visayas at Mindanao ay bahagi ng patuloy focused military operations ng AFP upang maalis ang mga banta sa seguridad ng bansa.

Sinabi ni Baclor na isang hinihinalang rebeldeng NPA ang napatay sa engkwentro sa pagitan ng 78th Infantry Battalion ng Philippine Army at siyam na armadong lalaki sa Brgy. San Andres, Borongan, Eastern Samar noong Februray 18. Nagresulta din ang operasyon sa pagkakadiskubre ng anti-personnel mine mula sa mga rebelde.

Sinabi rin ng opisyal na 29 na umano’y NPA supporters  ang sumuko sa Army’s 1st Brigade Combat Team sa Brgy. Pigcalagan sa Sultan Kudarat noong February 21.

Iniuugnay ng AFP ang malawakang pagsuko at ang matagumpay na operasyon laban sa mga lolocal threat groups sa dedikasyon ng mga tropa ng militar na naglagay ng kanilang buhay sa panganib para magawa ang kanilang misyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *