PNP Legazpi, titiyakin ang kaligtasan ng mga sa nalalapit na Modified Palarong Bicol

LEGAZPI CITY – Titiyakin ng Legazpi City PNP ang kaligtasan ng mga atletang pupunta sa lunsod para sa nalalapit na Modified Palarong Bicol.

Ayon kay Chief of Police, PLt. Col. Dennis Balla, magdedeploy sila ng mga tauhan sa mga playing venues at billeting schools upang magbantay habang nagpapatuloy ang aktibidad.

Dagdag pa niya, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga tao kaya’t walang tigil ang kanilang ginagawang paghahanda.

Samantala, kabilang sa mga billeting schools ay ang Albay Central School, Legazpi City Science High School at Cabangan Elementary School; habang ang mga playing venues naman ay kinabibilangan ng Sawangan Park para sa boxing, ICR para sa basketball secondary, at DPWH, Ligñon Hill o Camp Ola naman para sa tennis.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng himpilan sa Department of Education City Division at sa lokal na pamahalaan ng lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *