Lola sa South Korea, inabot ng limang taon bago nakapasa at nakakuha ng lisensiya

KAHANGA-HANGA ang isang 64 anyos na  lola sa South Korea na si Cha Sa Soon, dahil sa determinasyon at tiyaga na ipinakita nito sa publiko ,sa kabila kase ng hindi na mabilang na paulit-ulit nitong pagbagsak sa driving test, ay ipinagpatuloy parin nito ang pagkuha ng test, hanggang sa abutin na siya ng limang taon sa kakasubok.  

Sa ika-960 beses na pagsubok muli ni lola, sa wakas ay naipasa na  niya ang mga pagsusulit, sa kuwento nito, nagsimula siyang kumuha ng exams noong siya ay 64 anyos pa lamang at dahil sa ilang taon rin ang lumipas nakakatuwang isipin na sa edad na 69 anyos siya nagkaroon ng driver’s license.

Dagdag pa niya malaki narin ang naigastos niya para sa maka-ilang beses na pag-retake ng mga exams kung saan umabot na itong 5 million Korean won o katumbas ng mahigit P200,000 sa Philippine peso.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *