PNP, nagpaalala sa mga taga-Olongapo na iwasang masangkot sa mga election related crimes

Nagpaalala ang PNP sa mga mamamayan ng Olongapo na iwasang masasangkot sa anumang election related crime ngayong nagsimula na rin ang kampanyahan para sa mga lokal na posisyon.

Ito ay dahil sa posibilidad na mauwi sa pananakit at iba pang krimen ang madalas na patutsadahan ng mga kandidato at mga tagasuporta lalo na’t palapit na ng palapit ang araw ng halalan.

Ayon kay Olongapo Pnp Deputy Dir For Operations PLTC.Generico Binan, walang anumang private army o armed group ang mga kandidato sa Olongapo pero nagkakagulo kung minsan ang mga tagasuporta.

Payo ni Binan, dapat ay maging kalmado lang ang publiko at makiisa sa kampanya ng pamahalaan na idaos ng tahimik at maayos ang eleksyon sa Mayo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Fact Women are more likely than men to have thyroid issues. Power Cells ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *