PNP, nanawagan sa Kongreso na isama ang online cockfighting sa illegal gambling activities

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) sa Kongreso na isama ang e-sabong o online cockfighting sa listahan ng illegal gambling activities sa ilalim ng Presidential Decree 1602 o ang anti-illegal gambling law ng bansa.

Sa konsultasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Kongreso, sinabi ni PNP Chief General Rodolfo Azurin mna ipinanukala rin nila ang pagpapataw ng sanctions laban sa mga service providers na bigong iba-block ang e-sabong websites.

Matatandaan na sa inilabas na EO 9 ni President Ferdinand R. Marcos Jr., noong Disyembre ng nakaraang taon, ipinag-utos nito ang patuloy na pagsuspende sa livestreaming o broadcasting ng sabong sa labas ng mga cockpits, cockfighting arenas, o iba pang premises kung saan inasagawa ang sabong.

Sa ilalim din ng naturang kautusan, inaatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na makipag-ugnayan sa mga local government units, iba pang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at private entities para sa pagpapatupad ng naturang kautusan.

Samantala, inamin din ng PNP na hirap ang kanilang ahensya sa  pagsugpo ng e-sabong bilang ito ay mas nakatuon sa teknolohiya, kaya mabagal ang progreso sa mga kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *