POC, sinuspende ang PH tennis, athletics associations ng 90 araw

Sinuspende ng Philippine Olympic Committee ang national sports associations ng tennis at track and field sa isang special gathering ng POC executive board.

Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pansamantalang hindi isasama ang Philippine Tennis Association mula sa rolls dahil sa kanilang non-compliance sa International Tennis Federation, na nag-aatas na amyendahan ang Philta constitution at bylaws at magsagawa ng halalan na inclusive sa may sigalot na major stakeholders sa sport.

Sa kaso ng Philippine Athletics Track and Field Association, sinabi ni Tolentino na ang suspension ay dahil sa kabiguan na magsilbi ng kanilang layunin bilang NSA, matapos tanggalin ng Patafa ang kanilang star athlete, na si pole vaulter Ernest John Obiena.

Dagdag ni Tolentino, ang non-endorsement kay EJ ay nagresulta ng national issue.

Giit pa nito, si EJ Obiena, na nasa ilalim ng kanilang International Olympic Committee Charter, ay may dalawang dahilan para i-endorso, na kinabibilangan ng kanyang sports merit at inspirasyon sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *