BOC, nakumpiska ang nasa P6-M halaga ng shabu sa shipment sa Clark

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P6-million halaga ng shabu sa Port of Clark sa Pampanga.

Ayon sa BOC, ang mga ilegal na droga ay nakitang nakatago sa pagitan ng thermal layers ng drinking tumblers, na kabilang sa mga contents ng shipment na dumating mula sa Johannesburg sa South Africa noong March 11.

Ang mga samples na nakuha mula sa package ay agad na inihatid sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na kalauna’y napatunayan na ang powdered substance ay methamphetamine hydrochloride o shabu.

Dahil dito, naglabas si District Collector Alexandra Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Giit ni Lumontad, ang profiling ng port at border security procedures, at ang BOC Customs Anti-Illegal Drug Task Force at consistent collaboration ng PDEA ay malaking tulong sa matagumpay na pagkakakumpiska ng illegal substances. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *