Pokwang at Lee O’Brian, hiwalay na!

Tinuldukan na ng komedyanteng si Pokwang ang mga espekulasyon hinggil sa kanilang relasyon ng aktor na si Lee O’Brian.

Pag-amin nito, noon pang November 2021 sila naghiwalay, pero sa magandang paraan naman umano nila ito ginawa.

Nilinaw rin ni Pokwang na walang third party na isyu, at co-parenting sila sa anak nilang si Malia.

Kaugnay nito, malaya at welcome rin na nakakapunta si O’Brian sa kanilang bahay para makita ang kanilang anak.

Ang usap-usapang fallout ay unang lumabas nang mapansin ng ilang netizens na pinalitan ni Pokwang ang brand name ng kanilang food business sa “Mamang Pokwang” mula sa “Pok-Lee.” //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *