Emmy nominations, pangangalanan na; ‘Squid Game’ target gumawa ng kasaysayan

Ibubunyag na ang mga contenders para ngayong taon na Emmy awards, kung saan nakikitang ang “Squid Game” ang magiging pinaka-unang non-English-language drama series na nominated sa telebisyon na katumbas ng Oscars.

Ang dystopian South Korean smash hit ay inaasahang magko-compete rin sa kanilang returning heavy hitters gaya ng HBO’s “Succession,” matapos na maantala ang TV productions dahil sa early-pandemic lockdowns.

Matapos maanunsyo sa pamamagitan ng live-streamed ceremony ang mga nominees, ay sisimulan naman ang final-round voting para sa 74th Emmy Awards, na itinakada sa September 12.

Samantala, ang kabuoang bilang ng dramas at comedies na magko-compete sa Emmys ngayong taon, ay mas marami kumpara noong nakaraang taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *