Police Colonel, itinuturong mastermind sa pamamaslang sa kapitan sa Lipa City, Batangas

Nasa kustodiya na ngayon ng Camp Vicente Lim sa Laguna ang police colonel na itinuturong mastermind sa pagpatay sa barangay chairman ng Barangay San Carlos, Lipa City na si Vivencio Palo noong Pebrero 26, 2023.

Tumanggi pa munang pangalanan ng Batangas Police Provincial Office o BPPO ang naturang opisyal ng pulis at saka na ilalabas ang pangalan nito sakaling lumabas na ang warrant of arrest.

Sinabi sa Brigada Batangas ni PCpt. Pauline Pecaso Fernardo, BPPO information officer, ikinanta ng mga suspek na isang police colonel ang mastermind sa pagpatay kay Kapitan Palo.

Nasa mandatory schooling sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ang suspek na pulis na agad namang nagreport sa regional office matapos na ipatawag.

Nabatid na dalawa sa limang suspek sa pamamaslang ang nasa nakakulong na sina Lito Bautista at Rene Boy Carbajosa.

Una nang sinabi ni Batangas PNP provincial director PCol. Pedro Soliba, nahuli ang dalawang suspek sa tulong ng mga CCTV footages na tumutukoy sa mga ito.

Naisampa na ang kasong Murder sa Lipa City Prosecutors Office laban sa dalawang naarestong suspek at kasama sa mga ito ang iba pang suspek.

Una nang lumabas sa imbestigasyon ng Lipa City Police Station na personal grudge dulot ng away sa lupa ang tinitingnang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *