Politika, tinitingnang motibo sa brgy chairman slay sa Lipa City, Batangas; ₱200K, alok na pabuya

Politika ang isa sa mga tinitingnang motibo ng Lipa City Police Station sa nangyaring pamamaril kay Barangay chairman Vivencio Palo ng Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas.

Sinabi sa Brigada Batangas ni Lt.Col. Ariel Azurin, hepe ng Lipa CPS, may lead na sila sa ginagawang imbestigasyon at umaasang malulutas ang kaso sa lalong madaling panahon.

Isa sa tinitingnan umano nilang motibo ay ang posibleng pagtakbo sa politika ng pinaslang na kapitan dahil wala naman umano itong kaaway o kalaban base sa salaysay ng pamilya nito.

Samantala, ikinatuwa naman ni Col. Azurin ang inialok na P200,000.00 na pabuya ni Mayor Eric Africa para sa ikalulutas ng kaso.

Una nang inanunsyo ni Mayor Africa ang naturang pabuya at inihayag na hindi titigil ang lokal na pamahalaan para makamit ang hustisya sa pinaslang na kapitan.

Matatandaang binawin ng buhay si Kapitan Palo matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa kotse noong madaling araw ng Linggo habang nasa labas ng kanilang tindahan malapit sa barangay hall.

Dalawang fatal na tama ng bala habang isang daplis ang nakamit ng biktima mula sa 9mm na gamit na baril ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *