PPA Bicol, naka-heightened alert na sa posibleng pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa

LEGAZPI CITY – Naka-heightened alert na ngayon ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa posibleng pagdagsa ng mga biyahero sa iba’t ibang mga pantalan sa Bicol region.

Ayon kay PPA Bicol Spokesperson, Achilles Galindes, nakalatag na ang lahat ng security protocols sa mga pantalan at katuwang rito ang mga kapulisan, LGU at mga barangay para sa pagsasaayos ng pilahan sa port.

Kasunod ito ng pagdoble ng bilang ng mga pasahero at sasakyang tatawid papuntang Visayas ngayong Semana Santa.

Tiwala si Galindes wala silang matatanggap na reklamo sa mga bagong ipinatutupad na alituntunin at nakahanda na rin ang mga pasilidad ng pantalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *