PPA: Walang backlog sa mga panatalan sa kabila ng papalapit na pasko

Siniguro ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang magaganap na port congestion o siksikan sa mga pantalan, sa gitna ng nalalapit na Christmas season.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na ang yard utilization rate ng mga pantalan sa bansa ay 84.98%.

Paliwanag ni Samonte na ang porsyentong ito ay nangangahulugang mayroon pang at walang congestion o backlog sa mga pantalan.

Sa mga byaheng domestic, inaasahan na aabutin ng isang linggo ang pagdating ng mga padala, habang isa hanggang dalawang buwan naman para sa international na byahe.

Samantala, dagdag ni Samonte, maglulunsad ang PPA ng monitoring system para sa mga cargo at balikbayan boxes ngayong Disyembre na tatawaging Container Registry and Monitoring System.

Wala namang inaasahang tariff hikes sa mga pantalan ngayon at sa susunod na taon. //SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *