PPCRV-Catanduanes, nakatakdang magdaos ng ‘provincial candidates forum’ para sa mga tumatakbong kandidato sa probinsya

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV-Catanduanes) na nakatakda silang magdaos ng Provincial Candidates Forum para sa lahat ng mga tumatakbong kandidato sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan.

Ayon sa PPCRV, layon ng nasabing aktibidad na mabigyang pagkakataon ang mga kandidato na maipahayag ang kanilang plataporma de gobyerno at intensyon sa pagtakbo, na malaking bagay para sa pag de-desisyon ng mga botante.

Isasagawa ang forum sa Plaza Rizal sa bayan ng Virac, ngayong darating na April 29, 2022 mula alas singko y media ng hapon hanggang alas diyes y media ng gabi. Sa ngayon, patuloy sa paglikom ng mga katanungan ang Ministry of Media Apostolate ng Diocese of Virac mula sa mga botante na siyang ibabato at ipupukol sa mga dadalong kandidato.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *