Dagdag na pwersa ng kapulisan, ipinadala ng PNP-BICOL sa Masbate

BNFM BICOL—Inihayag ni PNP-Bicol Regional Director PBGen. Jonnel Estomo na muling nagpadala ng dagdag na pwersa ng kapulisan ang PRO 5 sa lalawigan ng Masbate, dalawang linggo bago ang Halalan.

Ayon kay Estomo, ang nasabing hakbang ay bahagi pa rin ng kanilang preparasyon at layunin na masiguro ang katahimikan at kaayusan ngayong election period lalo na sa Masbate na itinuturing na area of concern.

Dagdag pa nito, nais nilang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa buong panahon ng Halalan kung kaya’t patuloy ang kanilang pagpapaigting sa implementasyon ng COMELEC checkpoint at Gunban.

Sa buong Bicol ang lalawigan ng Masbate ay itinuturing na area of concern tuwing eleksyon, matapos maitala dito ang mga insidente ng kaguluhan at presensya ng mga armadong grupo sa dalawang huling isinagawang Halalan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *