President Ghani umalis ng Afghanistan matapos makubkob ng Taliban ang Kabul

“I will always continue to serve the nation”

Ito ang mensahe ni Afghanistan President Ashraf Ghani kasabay ng kanyang pag-alis sa kanilang bansa matapos makubkob ng Taliban ang Kabul.

Sinabi ni Ghani na “hard choice” ang kanyang pag-alis o ang pagharap sa mga armadong Taliban na gustong pasukin ang palasyo.

Ayon kay Ghani, mas pinili niya ang umalis na lamang para maiwasan na ang pagdanak pa ng dugo at pagkamatay ng kanyang mga kababayan.

Inihayag ni Ghani na nakuha ng Taliban ang control sa pamamagitan ng dahas kaya sila na ang responsable sa pag-protekta sa kanilang mga kababayan, yaman ng bansa at ang self-esteem ng mga sambayanan.

Bagamat may mga report na tumakas si Ghani patungong Tajikistan, hindi pa naman kumpirmado kung saan ito habang ginagawa ang kanyang mensahe sa Facebook.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *