UK PM Johnson hinimok ang western countries na magkaisa vs Taliban

Nanawagan si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa mga western countries na magkaisa para aksyunan ang nangyayari ngayon sa Afghanistan kung saan patuloy ang pagkubkob ng Taliban sa iba’t ibang bahagi ng bansa at pag-alis ng kanilang presidente.

Sinabi ni Johnson na walang may gusto na maging breeding ground ng mga terorista ang Afghanistan.

Ang panawagan at ginawa ni Johnson sa emergency Cobra meeting kahapon.

Ayon kay Johnson, hindi pa malinaw ang sitwasyon ng Afghanistan pero ang tiyak aniya ay magkakaroon ng bagong gobyerno ang nasabing bansa .

Una nang nakubkob ng Taliban ang capital city na Kabul matapos maunang makuha ang halos lahat ng major city sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *