Presyo ng gulay sa NCPM hindi gaano naapektuhan ng sunod-sunod na pagtagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

NAGA CITY- Labing isang beses ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, inaasahan ng publiko ang pagtaas ng presyo ng  gulay dahil sa gastos din sa pagtransport ng agricultural products subalit ayon sa pamunuan  ng Naga City People’s Mall , hindi malaki ang epekto dahil ang ilang gulay ay bumababa pa ang presyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent Mon Florendo, sinabi nitong marami kasi ang supply ng gulay. Kung titingnan ang record ng Naga City  Price Coordinating Council (NCPCC) halimbawa ang Baguio Beans kung noong Marso 7 ay P100.00 ang bawat kilo bumaba sa P80.00 noong Marso 14, ang Okra na P120.00 , P100.00 na lamang ang bawat kilo.

Mas marami na ang source ngayon maliban pa sa local suppliers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *