Price Freeze sa mga Basic Necessities sa Cabangan, Zambales ipinatutupad

Nagpaalala ang DTI-Zambales sa lahat hinggil sa ipinatutupad na Price Freeze sa mga basic necessities sa bayan ng Cabangan

Ito ay alinsunod SB Resolution No. 2022-88 series of 2022 na nagdedeklarang nasa State of Calamity ang bayan dahil sa naging epekto ng Super Typhoon “Karding” mula September 28, 2022 hanggang October 28, 2022.

Paalala ng DTI sa mga mamimili at retailers, base sa Section 6 ng Republic Act 7581 o Price Act, ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na dineklarang disaster area ay automatic price control.

Matatandaan, ang Cabangan ang pinakahinagupit ng nakalipas na bagyo sa Zambales kung saan maliban sa isang casualty ay maraming mga alagang hayop rin ang namatay at nasirang mga ari-arian matapos bahain ang tatlong baranggay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *