PRO-BAR at Cotabato PNP, pinuri ni PNP Chief Gen. Eleazar

COTABATO CITY – PINURI ni PNP Chief Police General GUILLERMO ELEAZAR ang pamunuan ng Cotabato City PNP gayundin ang Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region kasunod ng kanyang dalawang araw na pagbisita kamakalawa hanggang kahapon.


Kahapon ng umaga ay personal na tinungo ni General Eleazar ang himpilan ng Brigada News FM Cotabato at dito nagpaunlak ng panayam ang heneral.


Sa kanyang pahayag, hinamon nito ang lahat ng kapulisan sa Cotabato City at sa buong BARMM region na suportahan ang mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa usapin ng internal cleansing.


Kasabay din ng pagbisita ng opisyal ay ang pagbibigay pagkilala sa mga elemento ng Cotabato City PNP na kinabibilangan nina PCPT VINCENT HOWELL E WONG, PSMS JUNIE REE C BESAS, PSSG REYNALDO LU JACOBE, PSSG EBRAHIM S NASA at PCPL SAJID D MUA.


Kinilala din ng Heneral ang ipinakitang katapatan sa tungkulin ng anim pang myembro naman ng PRO-BAR na sina PCPT PAUL SYMON VILLAREAL, PCPT IVAN JHON BAKIAN, PMSGT RAFAEL ABDULA, PSMS SIMPAL, PSMS DIONALDO at PAT ZAMAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *