Tiniyak ng Police Regional Office 3 na nakahanda ang mga patrol cars nito na magbigay ng libreng-sakay kasabay ng malawakang transport strike mula ngayong araw.
Ito ay kung sakaling kakailanganin at mayroong maaapektuhang mananakay sa Central Luzon.
Ayon sa PRO3, bagamat wala namang ulat ng tigil-pasada sa rehiyon ay naghanda pa rin ang hanay.
Matatandaan na noong Byernes ay sinabi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3 na labing-anim sa mga transport group sa Central Luzon ang hindi lalahok sa transport strike.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
