Provincial Target at 3 kasamahan arestado sa Drug den sa Camarines Sur

Naga City – Huli ang isang Provincial Drug Target at 3 pang kasama nito sa loob ng pinaniniwalaang Drug Den matapos ang Buy Bust Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa Barangay Catalotoan, San Jose Camarines Sur, 6:05 nang gabi ng nagdaang Abril 11, 2023.

Kinilala ang nahuling Provincial Drug Target na si John Anthony Navea y Turiano, 35-anyos pinaniniwalaang Drug Den Maintainer at residente ng Brgy. Panday, Goa Camarines Sur, habang ang 3 pang nahuli  na sila Giovanni Butac y Yape, 47-anyos; Marieth Ann Grace Fernandez y Mirasol, 22-anyos ng Goa Camarines Sur at isang menor de edad.

Nakuha sa pag-iingat ni Navea ang ilang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 18 gramo na nagkakahalaga ng P122K at isang kalibre 45 baril.

Ang mga nahuli ay mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, habang ang Provincial Drug Target na si Navea ay dagdag na kasong Firearms and ammunitions act matapos na makuhanan ito ng hind lisensyadong baril sa isinagawang operasyon.

Ayon sa PDEA, nagiging gamitan ang lugar kahit ng menor de edad, katunayan may naabutan silang gumagamit.

Ang target ay dati umanong nasa kabilang bayan, dahil sa monitoring lumipat ito pero hindi pa rin umobra sa mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *