Public awareness kontra ilegal na droga sinagawa sa Bacacay, Albay-PNP

LEGAZPI-Dinaluhan ng mga magulang mula sa Barangay Misibis bayan ng Bacacay lalawigan ng Albay ang nilunsad ng pulisya na aktibidad kaugnay sa impormasyon tungkol sa ilegal na droga.

Sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Maureen Eva Vera, PCAD/FJGAD PNCO, nagsagawa ng lecture sa nasabing lugar para sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at sinabayan nang impormasyon tungkol sa PNP anti-illegal drugs campaign.

Kasama sa pinaliwanag ng mga otoridad ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa gobyerno na labanan ang ilegal na aktibidad na maaaring kasangkutan ng kanilang mga anak.

Kasama rin ang masamang epekto sa katawan ng tao ng pinagbabawal na gamot.

Masaya naman na ibinagahi ng PNP na maganda at organisado nayon ang KKDAT na siyangf nagpapalaganap ng mga impormasyon sa kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *