Pulis Math-Tinik ng Olongapo City, kilalanin!

OLONGAPO-Ngayong nasa distance learning ang sistema ng edukasyon sa bansa dahil sa pandemya marami ang nahihirapan pero hindi nawawala ang pagtutulungan ng mga guro, magulang at mag-aaral.

May iba mang hindi sapat ang kaalaman kaya nahihirapan ring gabayan sa aralin ang anak, mayron namang to the rescue dyan!

Yan ang pinatunayan ng isang pulis sa Olongapo City, hindi lamang basta pulis kundi isa ring Math-Tinik!

Siya si Pat. Mark Junel Alejandro ng Police Station 1, madalas nakaposte o nagbabantay sa mga terminal.

Nitong nakaraang Myerkules, isang ina ang lumapit kay Pat. Alejandro pero hindi para magreklamo o humingi ng tulong dahil may kailangan respondehan kundi para sa module ng kanyang anak sa araling mathematics.

Dahil natatandaan pa ni mamang pulis ang paksa ay walang pag-aatubili na kanyang tinulungan ang ginang.

Dito umano narealize ni Alejandro na may ibang magulang na nahihirapan rin dahil hindi sapat ang kaalaman, kaya payo nito sa mga mag-aaral na magtapos dahil isa ito sa pinakamagandang regalo na maibibigay nila sa kanilang mga magulang.

Ipinagmalaki naman ni PLt. Rodel Paragas, ang hepe ng station 1 si Alejandro dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kapwa.

Sa ngayon ay umani ng papuri at libong shares na ang post ni Patrolman.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'WORK RELATED FACTORS THAT CAN CAUSE FATIGUE AND TIREDNESS I Long work hours I Caffeine overload I Prolonged periods of physical or mental activity Insufficient break time I Inadequate rest Excessive stress IBUPROFEN-+ PARACETAMOL FAST RELAX Mag-FAST RELAX, ORA MISMO!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *