1M Local Development Fund naibigay na sa tatlong barangay

SORSOGON CITY- Naibigay na sa tatlong barangay ang pondo na P1M mula sa 20% local development fund ng LGU-Sorsogon City.

Ayon sa Sorsogon City Public Information Office, ang mapalad na mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Brgy. Sirangan, Bitan-o at Sampaloc.

Sa pamamagitan ng natanggap na pondo ay maisasakatuparan na ng konseho ang kanilang mga nakahanay na proyekto para sa ikauunlad ng pamumuhay ng kanilang nasasakupan.

Samatala, sa panayam ng Brigada News sa Punong Barangay ng Bitan-o na si Roberto Maraṅo, ilalaan nito ang natanggap na halaga para sa konstruksyon ng river control sa kanilang lugar.

Paliwanag ng opisyal, matagal na umanong problema sa kanilang barangay ang pagtaas ng tubig sa ilog na pumapasok na sa aabot 100 kabahayan tuwing may malakas na pag ulan o bagyo.

Ang nasabing proyekto ay sisimulan na sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *