Pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at US President Joe Biden, pinag-aaralan na

Inaasikaso na ang isasagwang pagkikita nina Pangulong Bongbong Marcos at US President Joe Biden.

Ito ang kinumpirma sa isang virtual joint press conference kasama sina Foreign Affairs Secretary Enrique
Manalo at US Secretary of State Antony Blinken.

Inihahanda na umano ang posibleng meeting sa sidelines ng United National General Assembly na idaraos ngayong Setyembre.

Posible rin aniyang personal na bumisita si Marcos sa Washington sa 2023.

Samantala, matapos ang pagbisita ni Blinken sa COVID-19 Vaccination activity sa Maynila, dumalo rin ito sa clean energy fair sa Makati City at U.S. Trade and Development Agency Offshore Wind Grant Signing.

Mamayang gabi naman ay nakatakda itong bumisita sa US Embassy para kumustahin ang mga empleyado nito at kanilang mga pamilya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.