Rank 4 regional MWP na may kasong 37 counts of qualified rape, arestado sa Malinao, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ng mg otoridad ang Rank 4 Regional Most Wanted Person sa Purok 7, Brgy. Bagatangki, bayan ng Malinao, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Junjun”, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa report, naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na pirmado noong Setymebre 26, 2023, dahil sa 37 counts of qualified rape.

Walang ibinigay na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng himpilan ng pulisya ng nasabing bayan para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *