Rank No 10 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud arestado

CMARINES NORTE- Nadakip ng mga pulis ang ika- sampu sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ang naarestong personahe na si Elmer Hernandez y Ramores 52, may asawa at  residente ng Ponte Verde Subdivision, Purok Acacia, Barangay Poblacion 2 sa nabanggit na bayan.

Ginawa ang pag aresto kay Hernandez sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni  Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 40 dito sa bayan ng Daet dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Mababatid na  noon pang December 28, 2011 inilabas ang arrest warrant laban sa akusado.

Nagrekomenda ang hukuman ng P80. 000.00 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nasa kustodiya ngayon ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *