Rare medical disease at severe infection ng COVID-19 sa mga bata maiiwasan kung bakunado – DOH

Hinikayat ng Department of Health ang mga magulang ng mga bata na edad lima hangang labing-isang taon gulang na pabakunahan ang kanilang anak kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire hindi dapat mangamba ang mga magulang dahil napatunayan na ito sa pag-aaral ng mga eksperto ang pagiging ligtas at epektibo ng naturang bakuna.

Malaking tulong din umano ang bakuna para labanan ang Multi-system Inflammatory Syndrome, isang rare condition na nangyayari sa mga batang tinamaan ng COVID-19.

Nakakatulong din umano ito para hindi magkaroon ng severe infection ang mga kabataan.

Nabatid na sa Lunes, Pebrero 7, aarangkada na ang vaccination drive sa mga batang 5-11 taong gulang kung saan target na mabakunahan ang 15-million bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *