Pagpapalakas ng agricultural sector suportado ni Go

Muling pinagtibay ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang pangako na suportahan ang sektor ng agrikultura ng bansa.

Noong Miyerkules inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayong palakasin ang sistemang pinansyal para sa agrikultura, pangisdaan, at pag-unlad ng kanayunan sa bansa kung saan co-authored ng senador.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagsuporta sa sektor ng agrikultura at pangingisda ng Pilipinas, at binanggit na ang seguridad sa pagkain ay isang mahalagang bahagi ng pambansang seguridad.

Iginiit din ng mambabatas na ang sektor ng agrikultura ng bansa ay nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno ngayon higit kailanman, lalo na sa mga epekto ng COVID-19 pandemic at kamakailang mga natural na kalamidad na tumama sa bansa.

Ayon Go ngayong may pandemya ay nakita natin kung gaano kahalaga ang agrikultura sa ating bansa at kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *