Raymund Marasigan, nailang nang muling makita ang mga kasama sa Eraserheads

Aminado ang dating miyembro at drummer ng The Eraserheads na si Raymund Marasigan na hindi naiwasan na magkaroon sila ng ilangan ng kaniyang mga dating kabanda nang muli silang magsama-sama matapos para sa kanilang reunion concert sa Disyembre.

Kaugnay nito, hindi ikinaila ni Raymund na hindi talaga sila ganoon ka-close ng mga kabanda.

Matatandaan na noong 2002 nang mabuwag ang banda, at 2008 nang huli silang magtanghal pero nagkaroon ng heart attack ang kanilang frontman na si Ely Buendia.

Pagbabahagi pa nito, na sa kanilang pagkikita-kita matapos ang mahabang panahon ay hindi umano sila masyadong nakapag-usap at medyo distansyado pa.

Pero sa kabila nito, wala naman umanong naging problema sa kanilang muling pagkikita-kita na ilang minuto lang din ang itinagal.

Una nito, noong Lunes nang inanunsyo ng mga miyembro ng banda ang kanilang reunion concert na “Huling El Bimbo” sa darating na Disyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *