Region 2, isa sa may pinakamataas na nabakunahang senior citizen sa bansa

Isa ang Lambak ng Cagayan sa mayroong pinakamaraming populasyon ng senior citizen na nabakunahan kontra COVID-19 sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Education and Promotion Officer II Paulene Keith Atal, RPh ng DOH RO2 sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, umabot na sa 67% sa target na mabakunahan o katumbas ng 234, 869 senior citizen ang nabakunahan na ng first dose habang 51% o katumbas ng 214, 306 ang fully vaccinated na.

Ayon pa kay Atal, tumaas rin ang demand ng bakuna sa rehiyon kung saan indikasyon umano ito na mataas na ang acceptance ng publiko sa bakuna kontra Covid-19.

Dahilan upang doble umano ang effort na ginagawa ng DOH Region 2 upang makahingi ng karagdagang mga suplay sa Central Office at mabakunahan ang mga nais magpabakuna.

Ilan aniya sa dahilan naman ng mga ayaw magpabakuna ay natatakot sa maaring epekto nito dahil sa mga naglipanang fake news sa social media.

Kabilang sa vaccine hesitancy ang vaccine preference ng publiko kung saan mas prefer umano ang moderna o Pfizer vaccine kumpara sa Sinovac ngunit nang nagkarron ng suplay ng J&J vaccine ay mas dumami na ang may gusto nito.

Sa ngayon ay pinakamarami umano ang na-administer na Sinovac Vaccine na umabot na 433,763 doses.

Photo/PIA Region2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *