Demand ng bakuna sa Region 2, tumaas; DOH R02, doble ang effort sa paghingi ng karagdagang suplay

Tumaas ang demand o dumami ang mga indibidwal na nais nang magpabakuna kontra COVID-19 sa lambak ng Cagayan dahilan upang puspusan ang effort na isinasagawa ng DOH RO2 upang makakuha ng karagdagang suplay sa DOH Central Office.

Sa panayam ng 92.9 Brigaga News FM Cauayan kay Paulene Keith Atal, ang Health Education and Promotion Officer II ng DOH RO2, marami na aniya ang nais na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa katunayan ay nasa 20% na ang nabakunahan mula sa target na 70% population upang makamit ang herd immunity.

Aniya, nagpapatuloy din ang pag-develop ng DOH Region 2 sa iba’t-ibang materyales na gagamitin para sa nalalapit na pagsisimula ng vaccination roll-out sa general population.

Ayon pa kay Atal, nagpadala na ang ahensya ng vaccination team at naglunsad ng bakuna on wheels sa mga lugar na mababa ang coverage ng bakuna maging sa geographically isolated and disadvantage areas.

Samantala, nilinaw naman nito na wala pang napapatunayang kaso na nagiging sanhi ang bakuna sa pagkakaroon ng COVID-19 o pagkamatay ng isang indibidwal.

Wala pa aniyang namatay na ang direktang dahilan ay ang mga bakuna at iginiit na ligtas ang anumang brand ng bakuna dahil mayroon itong emergency use authorization mula sa FDA.

Pinaalalahanan naman ni Atal ang mga vaccinee na nadefer dahil close contact ang mga ito ng nagpositibo sa COVID-19 na sumangguni sa RHU sa kanilang lugar upang mabigyan ng panibagong schedule para matanggap ang 2nd dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *