Region 2, muling nakapagtala ng 67 new delta variant cases

Muling nakapagtala ang lambak ng Cagayan ng 67 na bagong kaso ng COVID-19 Delta variant.

Batay sa datos mula sa Department of Health, mula sa naturang bilang ay 28 ang naggaling sa lalawigan ng Isabela kung saan apat rito ang mula sa Santiago City, tatlo sa San Isidro, tig-dalawa sa Cauayan City, Echague at Gamu.

Habang may tig-isang kaso rin ang mga bayan ng Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Ramon, Roxas, San Manuel, San Mateo at City of Ilagan.

Nairehistro rin ng Cagayan ang 26 na mga bagong kaso kung saan 11 ang mula sa Tuguegarao City, tig-2 sa Sto. Niño at Solana at tig-isa sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Camalaniugan, Iguig, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes at Tuao. 

Samantala, mayroon namang pitong kaso ang nagmula sa Nueva Vizcaya, apat sa Quirino Province at dalawa sa lalawigan ng Batanes.

Ayon pa sa ahensya, ang mga naturang kaso ay pawang local cases.

Anim ang naitalang nasawi habang nakarekober na ang iba pang mga pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *