Resolusyon nais tanggalin ang CPP-NPA-NDF, at pagbabalik ng peace talks, inihain sa Kamara

Naghain ang Makabayan bloc sa House of Representatives ng resolusyon na nananawagan para sa revocation ng resolusyon ng gobyerno na nagtatalaga sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at ng National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang mga terorista.

Sa pamamagitan ng House Resolution 756, nanawagan din ang mga miyembro ng grupo para sa resumption ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunistang rebelde.

Ayon sa mga ito, na ang terrorist tag sa CCP-NPA-NDF at sa kanilang affiliate communist terrorist groups ay nagdulot ng pagtaas sa mga paglabag sa human rights at international humanitarian law.

Ang naturang designation din umano ay nagpalakas sa indiscriminate at nagpapatuloy na pagtawag bilang terorista sa wide cross-section ng civil society na nakikita bilang critical ng gobyerno.

Samantala, sa pagsusulong naman para sa resumption ng peace talks, binigyang diin ng grupo na ang history-wise, at negosasyon ay epektibo para tapusin ang karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *