Resulta ng drug test sa suspek sa pananaga sa isang pulis, lumabas na

Lumabas na ang resulta sa drug test na isinagawa sa suspek sa pananaga sa isang miyembro ng Castilla Police noong Miyerkules, Setyembre 14 sa Duty Outpost ng nasabing himpilan.

Base sa impormasyon na nakuha ng Brigada News ay positibo si Allan Pelecia sa methamphetamine o shabu. Ang resulta ay ipinalabas ng PRO5 crime laboratory.

Nakasaad sa resulta – FINDINGS: Screening and confirmatory tests conducted on the above-mentioned specimen gave POSITIVE result to the test for the presence of methamphetamine metabolite.

CONCLUSION: Urine sample taken from the above-named cadaver contains methamphetamine metabolite, a dangerous drug.

Matatandaan na bago ang insidente ng pananaga sa biktimang si PSSgt Jesus Lisay, inamin mismo ni Pelecia na gumagamit siya ng iligal na droga kung saan pinangalanan pa nito ang kaniyang pinagkukunan ng droga sa Legazpi City na nabatid na isang ‘tulak’ at nakalalaya sa ngayon dahil sa ‘plea bargaining.’

Sa panayam ng Brigada News, sinabi din ng hepe ng Castilla MPS na si PMaj Marmay Fartingca na pinadrug test nila ang mga labi ng suspek para malaman kung nasa ilalim ba ito ng impluwensya ng iligal na droga nang mangyari ang insidente ng pananaga sa kanilang kasamahan sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *