Retiradong sundalo, patay nang pagbabarilin sa Lucena City

Patay ang isang retiradong sundalo matapos itong pagbabarilin sa Barangay Domoit, Lucena City nitong Martes, Marso 26.

Sa pahayag ng isang saksi, bandang alas-10:30 ng gabi nang marinig nito ang mga putok ng baril kung kaya kinaumagahan ay nagtungo ito sa tahanan ng biktimang si “Jesus”, 68-anyos at doon ito nakitang nakahandusay at wala ng buhay.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang mga operasyon ng awtoridad upang madakip ang suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *