Paligo sa imahe ng Amang Hinulid, dinagsa

Napuno ang kapilya ng Amang Hinulid sa Camarines Sur sa pagpapaligo at pagbihis ng imahe nito kaninang umaga, Miyerkules Santo. Baon ang kani-kanilang panalangin dumayo pa ang mga deboto mula sa iba’t-ibang bayan sa Camarines Sur at Bicol Region.

Mayroon namang nagpapasalamat sa mga biyayang tanggap, gayundin ang paghiling na gumaling na sa kani-kanilang karamdaman. May mga humingi ng tubig ipinagpaligo at bulak na ipinampunan sa imahen. Naniniwala kase sila na nakagagaling ito ng sakit.

Bukas, Huwebes Santo gaganapin ang taunang penitential walk o mas kilala sa tawag na Alay Lakad, maglalakad mula sa lungsod ng Naga patungo sa bayan ng Calabanga. Milyon ang inaasahan ng LGU na bibisita sa kanilang bayan ngayong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *